dream…once again..just a dream…
Monday, December 14th, 2009GABI, PANAGINIP at UMAGA
SA isang kwartong maraming tao,
May isang babaeng nakaupo malapit sa pintuan,
Bored na siya,
Nagbukas yung pinto…
May sumilip na gwapong lalaki
Inalis nung babae yung bag niyang nakapatong sa upuang nasa tabi niya…
Pumasok yung lalaki, umupo sa tabi nung babae…
TAPOS MAGKAIBIGAN NA SILA
Ano bang ginagawa ng magkaibigan? Lunch, dinner, kwentuhan tungkol sa kanya-kanyang lovelife…
UN LANG
After six months:
YUNG LALAKI: “Ay, di ko pa pala nasabi sa’yo, lagi mong tinatanong sa’kin yung kung kelan di ba? Tinanong ko na.”
YUNG BABAE: “Talaga?! Paano mo ginawa? Umiyak?”
YUNG LALAKI: “Oo eh…Nakakakaba, ganoon pala yun.”
YUNG BABAE (SA ISIP LANG): ang swerte naman…
Sorry, each to its own…
umaga na pala…
tapos na naman yung panaginip…
kapag umaga na, dapat lahat nakadilat na…oo, umaga na…
umaga na pala…
P.S Naintindihan nyo man o hindi, ang mahalaga, hindi ito maintindihan ng dapat makaintindi…